Updated IRR, guidelines sa kasunduan ng telco, militar pinabubuo ni Gapay

Updated IRR, guidelines sa kasunduan ng telco, militar pinabubuo ni Gapay

September 16, 2020 @ 2:52 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniatas ni Armed Forces of the Philippines chief of staff General Gilbert Gapay ang pag-update ng guidelines at pagbuo ng implementing rules and regulations sa kasunduan ng militar at telecommunication firms.

Ayon kay AFP spokesperson Major General Edgard Arevalo na ang mga pagbabago sa communications environment at imprastraktura ang naging dahilan para iatas ng AFP Chief ang pagrebisa sa guidelines na binuo pa noong 2006.

“Inutos ng ating AFP chief of staff General Gilbert Gapay ang pag-update ng ating kasalukuyang umiiral na guidelines for the implementation of memoranda of agreement between the AFP and these telcos,” ani Arevalo sa virtual press briefing.

“Kailangan natin itong i-update sapagkat ito ay nabuo nu’ng 2006 pa, so napakarami nang pagbabago sa communications environment na kailangan nating isagawa, kailangan nating iakma ang kasalukuyan nating umiiral na guidelines sa implementation ng memoranda,” dagdag pa ni Arevalo.

Aniya pa na nang binuo ang kasalukuyang guidelines ay analog pa ang teknolohiya noon.

“Dati rati may analog pa tayo, ngayon digital na and not only fully digital, may 4G na at kung magkakaroon ng pagbabago from what I understand is being offered by DITO telecommunity, 5G ‘yung technology na gusto nilang i-offer sa mga subscriber,” dagdag pa ng tagapagsalita ng kasundaluhan.

“Kung merong 113 million subscribers ng cellphone sa buong Pilipinas e kailangan i-upgrade pa natin ang guidelines.”

Hindi pa naman maisa-isa ni Arevalo ang mga pagbabago sa bubuuing IRR.

“Dati rati pwedeng widely dispersed o pwedeng isang tower o cellsite sa isang broad location, ngayon sa pagtaas ng teknolohiya mula sa 2G, naging 3G, hanggang naging 4G e mas kinailangan na mas magkakalapit na ang cellsites ng telco.

 

“Itong mga naging pagbabagong ito definitely ay kailangang i-take into account kaya kailangan ng upgrading ng guidelines on the implementation of memoranda of agreement between the AFP and telcos na nabuo nu’ng 2006,” giit pa niya. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...