UPLB nanguna sa vet licensure exam

UPLB nanguna sa vet licensure exam

October 4, 2022 @ 9:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanguna ang isang University of the Philippines Los Baños graduate sa veterinarian licensure exam na ginanap sa ilang lungsod noong nakaraang buwan, ayon sa mga resultang inilabas ng Professional Regulation Commission nitong Lunes.

Sa isang pahayag, sinabi ng PRC na 335 sa 928 test takers ang nakapasa sa pagsusulit, na pinangangasiwaan ng Board of Veterinary Medicine sa mga lungsod ng Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi at Tuguegarao noong Setyembre.

Walo sa 11 test takers sa top 10 ay mula sa UPLB, kabilang ang topnotcher na si Kenny Vergara Pique, na nakakuha ng 84.90.

Nasa 55 sa 62 na estudyante nito na nakapasa sa pagsusulit, para sa passing rate na 88.71%. Jocelyn Tabangcura-Domenden