UPLB, Visayas State University grads nanguna sa Agriculturist Licensure exam

UPLB, Visayas State University grads nanguna sa Agriculturist Licensure exam

December 8, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kapwa nanguna ang graduates ng University of the Philippines – Los Baños (UPLB) at ng Visayas State University – Baybay (VSU) sa November 2022 Agriculturist Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).

Nakakuha sina Rio Sergote Antion ng UPLB at VSU graduate Naomi Grace Manzano Lancita ng 86.83 rating.

Inanunsyo ng PRC announced na 4,035 sa 11,673 ang nakapasa sa licensure examination na ikinasa sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga nitong nakaraang buwan.

Itinanghal din ang UP – Los Baños na Top performing school dahil lahat ng mga estudyante mula rito ay nakapasa. RNT/SA