URCC 81 : Sokor wagi vs Pinoy 3, Chan tiyope kay Chope

URCC 81 : Sokor wagi vs Pinoy 3, Chan tiyope kay Chope

December 8, 2022 @ 3:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dagundong ang pagbabalik ng dating UFC campaigner na si Will Chope sa Universal Reality Combat Championship(URCC).

Tinapatan lang ni Will ‘The Kill’ ang pamatong striking offense ni Arvin Chan, sa kanyang galing sa grappling at jiu jitsu upang tapusin ang Pinoy fighter sa 1:45 pa lang ng unang round via pamatay na rear naked choke upang hablutin ang interim welterweight belt ng URCC 81 kamakalawa ng gabi sa The Cove , Okada Manila.

“ I just want to cement my legacy in the URCC,” wika ni Chope na kampeon din noong 2013 sa featherweight at at 2016 lightweight titlist ng URCC.

Samantala, nanaig ang mga pambato ng South Korea kontra trio nina Sugar Ray Estroso, dating URCC champion Caloy ‘Bad Boy’ Baduria at Boss Bullet Manlilic sa main event 3 versus 3.

Talo si Won Tar Cha na nadisqualfy dahil sa illegal kick sa bagsak na si Bullet habang dinaig ng isa pang Koreano ang na-injure sa balikat na si champ Sugar Ray Estroso upang mag-isang balikatin ang laban pero bigo sa mas maangas na dayuhang kalaban.

“It was such an awesome night. Everybody went all out , but its just too bad the last fight ended that way.

The Koreans were supposed to be disqualified for a foot stomp on Bullet while Sugar hurt his shoulder”, pahayag ni URCC founder/ President Alvin Aguilar.”

We had no choice and I think I didn’t want to declare it a no contest. Every body goes to URCC to fight at ganoon nga ang nangyari. I’ m still very very happy of the results.

Sa mga naunang bakbakan ,dinaig ni Kimbert Alintozon si June Kimayong via submission,binigo ni Rhyle Lugo si Alex Aballe sa referee stoppage.

TKO naman ang panalo ni Mark Jalaron kontra Denzel Dimaguila, TKO si Sherwin Niro kay Dondon Serrano naghari si King Pinoy kontra Raymond Dumsa,hinablot ni Eros Baluyot ang panalo vs Mark Abrillo at TKO si John Tirona kay Dunlee Stewart habang nanliit si John Maglaque kay Mariano Jones via RSC.JC