‘Family day’ sa tourist spots sa Maynila, suportado ni Yorme

February 26, 2021 @10:53 AM
Views:
4
MANILA, Philippines – Suportado ni Manila Mayor Isko Moreno, Biyernes, ang panukala ng Department of Tourism na magtatag ng ‘family day’ sa mga tourist site sa Maynila.
Ibig sabihin nito, base sa hiling ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Inter Agency Task Force Against COVID-19 na payagang ikansela kahit isang araw lang ang ipinatutupad na age restriction sa Maynila para makapamasyal ang buong pamilya sa mga pasyalan sa lungsod.
Sa ilalim kasi ng guidelines ng IATF na hindi pinapayagang makalabas ang 15-anyos pababa at 65-anyos pataas malibang na lang kung kinakailangan talaga tulad ng pagpapaospital.
“Aprub! Of course, we want to support tourism, lalo na ngayon, domestic tourism, tayo-tayo lang ang nagpapasyalan. Wala tayong mga banyagang pumupunta rito,” komento naman ni Isko sa nasabing panukala.
Ani Moreno na makatutulong ng malaki ang nasabing banukala sa ekomoniya na pinalubog ng pandemya.
“Pangalawa, if there’s an open space as an alternative for our people to go to, hinihikayat namin ‘yan, especially sa Intramuros, especially in Intramuros,” giit pa ng alkalde.
Kamakailan lang nang buksan ng Maynila ang Intramuros para sa mga turista na maaring makalabas ng bahay.
“Nakapagtiyaga na tayo ng 11 months. I think a few days will not harm,” ayon pa sa alkalde. RNT
February 26, 2021 @10:40 AM
Views:
8
MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Washington, Biyernes, ang mga Filipino na nasa United States ukol sa tumataas ng bilang ng insidente ng hate crimes laban sa mga Asyano sa nasabing bansa.
“We note with concern the rise in attacks on Asian Americans in various parts of the country. Filipinos are advised to exercise utmost caution in view of these incidents,” ayon sa abiso ng embahada.
Iniuulat ng ilang US media outlets ang apgtaas ng kaso ng pag-atake sa mga Asian American sa iba’t ibang estado na naghihikayat ng pag-aksyon.
Nauna nang naiulat ang nilaslas na mukha ng isang 61-anyos na Pinoy sa New York matapos na atekehin subway, at ang pag-atake rin sa isang matandang Pinay sa San Diego, California.
Naiuulat din ang pagnanakaw at pag-atake sa Chinatowns sa ilang mga pangunahing US cities, habang kumakalat din ang pandemic-related racism na tinatarget ang Asian-Americans sa social media.
Sa kabila nito, kinilala naman ng embahada ang mabilis na aksyon ng lokal na gobyerno sa Amerika.
“However, we call on federal, state and local authorities to further ensure the protection of persons of Asian descent, including Filipinos,” ayon pa sa embahada. RNT
8 opisyal ng PCG na-promote

February 26, 2021 @10:29 AM
Views:
9
MANILA, Philippines – Walong mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ang itinaas ng ranggo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa transmittal papers na pinadala ng Office of the President tanggapan ni Transportation Secretary noong Pebrero 15, 2021, kabilang sa inangat sa posisyon bilang mga Commodore ng PCG ay sina:
1) Commodore Luisito S Sibayan – Commander, Coast Guard Coast District Southeastern Mindanao
2) Commodore Roben N De Guzman – Director, National Operations Center for Oil Pollution
3) Commodore Inocencio C Rosario Jr – Commander, Coast Guard District North Eastern Mindanao
4) Commodore Agapito B Bibat – Commander, Coast Guard District Northern Mindanao
5) Commodore Allen J Dalangin – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Intelligence
6) Commodore Ferdinan B Picar – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Operations
7) Commodore Luz L Escarrilla – Commander, Coast Guard Civil Relations Service
8) Commodore Fran F Eden – Commander, Coast Guard Medical Service
Ang walo ay nakatakdang manumpa sa kanilang bagong posisyon sa punong tanggapan ng Coast Guard ngayong araw.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, dalawa sa bagong mga commodore ay babae kabilang sina Commodores Escarilla at Eden na kapwa mga doctors at frontliners.
Si Escarilla ay in charge sa Task Force Quarantine habang si Fran ay head ng Task Force RT PCR na in charge naman sa mga swabbers na dinideploy sa lahat ng ports nationwide, airports para sa mga OFW at mobile teams n a nagsasagawa ng RT PCR sa hotels at quarantine facilities. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Mainit at maalinsangang Biyernes mararanasan – PAGASA

February 26, 2021 @10:21 AM
Views:
10
MANILA, Philippines – Makararanas ang Pilipinas ng mainit at maalinsangang Biyernes dahil na rin sa buga ng mainit na hangin o easterlies mula sa Pacific Ocean, ayons a PAGASA.
Maulap na kalangitan ang mamamayani na may isolated rain showers sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa dahil sa localized thunderstorms.
Inaasahan ang 23 to 33 degrees Celsius na temperature sa Kamaynilaan, 15 to 24 degrees Celsius sa Baguio City, 24 to 31 degrees sa Cebu City, at 25 to 32 degrees sain Davao City.
Wala namang inaasahang papasok o mabubuong masamang panahon hanggang sa unang linggo ng Marso. RNT
P17.3-M puslit na yosi, nasabat sa Sulu

February 26, 2021 @10:12 AM
Views:
15