US ambassador sa Pinas kinumpirma ng US senate

US ambassador sa Pinas kinumpirma ng US senate

May 7, 2022 @ 10:30 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinumpirma ng United States Senate nitong Biyernes (Manila time) ang pinili ng White House na susunod na US Ambassador to the Philippines, si MaryKay Carlson.

Batay sa tweet ng Senate Cloakroom, kumpirmadong si Carlson ang sunod na top US envoy sa Manila. Nag-tweet din si Kristie Kenney, unang babaeng US Ambassador to the Philippines mula 2006 hanggang 2010, ng kanyang kagalakan sa pagtatalaga kay Carlson.

“Pinoy pals – get ready to welcome a fabulous US Ambassador to the Philippines, MaryKay Carlson!” ani Kenney.

Ayon sa website ng White House website, si Carlson ay nasa foreign service mula pa 1985 at ginawaran ng iba’t ibang pagkilala sa kanyang kahusayan. RNT/SA