US aprub sa Regeneron vaccine na ginamit kay Trump

US aprub sa Regeneron vaccine na ginamit kay Trump

November 22, 2020 @ 4:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

US – Aprub ng US drug regulator ang coronavirus disease (COVID-19) antibody therapy na ginamit kay President Donald Trump.

“Authorizing these monoclonal antibody therapies may help outpatients avoid hospitalization and alleviate the burden on our health care system,” ayon kay Stephen Hahn, commissioner of the Food and Drug Administration (FDA).

“an important step in the fight against COVID-19, as high-risk patients in the United States will have access to a promising therapy early in the course of their infection,” saad naman ni Regeneron president at CEO Leonard Schleifer.

Ito ang ikalawang synthetic antibody treatment na mabigyan ng emergency use approval (EUA) ng FDA.

Ang paraang ito ay nagpapatigil sa pagkalat ng virus sa katawan ng pasyente.

Napatunayan ito sa 799 pasyenteng may mild hangang sa bahagyang sintomas ng COVID-19.

Inaasahang gagawa ng doses ang naturang kompanya para sa 80,000 pasyente bago matapos ang Nobyembre at 300,000 pasyente bago matapos ang Enero 2021.

Libre itong makukuha ng mga pasyente sa US.

Ngunit sa pagpalo ng kaso sa US, hindi ito maipapamahagi sa ibang bansa. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...