US Army, magbabakbakan sa “Street Fighter V” tournament

US Army, magbabakbakan sa “Street Fighter V” tournament

July 28, 2018 @ 5:48 PM 5 years ago


US – Ibang bakbakan ang inaabangan ngayong araw sa United States sa pagsisimula ng “Street Fighter V” tournament ng mga active-duty service men and women.

Mapanonood ng live sa Twitch ang laban random pipiliit ang mga bracket na may dalawang eliminasyon.

Gagawin naman ang ilang streaming session sa magkakahiwalay na araw kung saan ang una ay sa Fort Bliss sa El Paso, Texas. Habang ang ikalawa naman ay sa Fort Gordon sa City of Georgia sa August 11, ikatlo sa Joint Base Lewis-McChord sa Washington sa August 18. At ang ikaapat na stream ay sa August 25 sa Fort Wainwright sa Alaska.

Ang mananalo ay makakukuha ng Twitch gear, 2-night stay sa Mandalay Bay MGM resor, exclusive Army Entertainment Esports jersey, tournament coin, at $500 gift card.

Layon ng naturang tournament na itaas ang moral ng mga sundalo. (Remate News Team)