US-based doctors nagpahayag ng suporta kay Eleazar

US-based doctors nagpahayag ng suporta kay Eleazar

April 4, 2022 @ 10:25 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Naghayag ng suporta sa kandidatura ni dating PNP chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagka-senador ang ilang Pilipinong doktor na nakabase sa Estados Unidos.

Ang naturang suporta ay inihayag nina Doctors Tony at Belle Reyes ng Reyes Medical Associates, Inc., isang medical group na nasa Anaheim, California na dalubhasa sa family medicine.

“We know it is an uphill battle for now because he is not yet well-known in rural areas but when our province folks learn more about him, they will realize that he is a great man, a great leader who will be a catalyst in the change for a better Philippines,” sabi ng mga Reyes sa mensaheng isinulat sa prescription pad at ipinaskil sa social media.

“We fervently hope that Guillor will be a senator of our beloved country. We know he will be the lightning rod for change in our rotten system. He will be a strong leader and will initiate the movement of like-minded people to coalesce together and become the harbinger for a bright future. We will pray unceasingly for our Gen. Guillermo Eleazar to be a senator in the Philippines very soon,” anila.

Nagpasalamat si Eleazar sa mga Reyes para sa pagsuporta sa kanyang kandidatura sa May 2022 senatorial elections.

“Lubos po akong nagpapasalamat sa pagpapahayag ng suporta ng ating mga kababayan dyan sa California. Natutuwa po ako dahil kahit limitado ang aking kakayanan na makaikot sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas para makapangampanya ay naaabot rin pala namin kayo kahit nandyan kayo sa ibang bansa,” aniya.

Iba’t ibang indibidwal at grupong nasa larangan ng medisina na ang naghayag ng suporta sa Partido Reporma candidate dahil kabilang sa kanyang mga isinusulong ang kapakanan ng healthcare workers na nangunguna sa paglaban sa COVID-19.

Dati nang nanawagan si Eleazar sa pamahalaan na ibigay ang special risk allowances at iba pang benepisyo ng medical frontliners, kabilang ang administrative support workers sa mga pagamutan gaya ng mga security guard at janitor.

Sinusuportahan din ni Eleazar ang panawagang itaas ang sahod ng medical workers, lalo na ang mga doktor at nurse, bilang pagkilala sa mahirap na trabahong kanilang ginagampanan sa gitna ng pandemya.

“Suportado natin ang panawagan na itaas ang sweldo ng ating mga healthcare workers at dagdagan ang kanilang mga benepisyo. Panahon na para bigyan naman natin ng dignidad ang ating mga manggagawa sa sektor ng kalusugan dahil sila ang nagsilbing mga bayani sa panahon ng pandemya. Matapang nilang hinarap ang panganib ng coronavirus at ang ilan sa kanila ay nagbuwis pa ng buhay para lamang mailigtas ang ibang tao kaya dapat lang na pahalagahan natin ang kanilang mga sakripisyo,” ani Eleazar. Jan Sinocruz