US: Chinese vessels sa Philippine EEZ labag sa int’l law

US: Chinese vessels sa Philippine EEZ labag sa int’l law

December 20, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinuportahan ng US government ang panawagan ng Pilipinas sa China na respetuhin ang international law sa pamamagitan ng pagpapatigil sa unlawful deployment ng Chinese vessels sa exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“The reported escalating swarms of PRC (People’s Republic of China) vessels in the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the Spratly Islands interfere with the livelihoods of Philippine fishing communities, and also reflect continuing disregard for other South China Sea claimants and states lawfully operating in the region,” ani US Department of State spokesperson Ned Price.

“The United States supports the Philippines’ continued calls upon the People’s Republic of China (PRC) to respect the international law of the sea in the South China Sea, as reflected in the UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), and its legal obligations pursuant to the 2016 arbitral ruling,” dagdag ni Price.

Sa ilalim ng UNCLOS kung saan signatories ang Pilipinas at China, ang “200 nautical miles off the territorial sea ng bansa ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) nito. Noong July 2016, ibinasura ng UN Permanent Court of Arbitration sa The Hague, batay sa kasong inihain ng Pilipinas, ang nine-dash line theory ng China na umaangkin sa South China Sea.

Humatol din ang arbitration court na ang Panganiban (Mischief) Reef, Ayungin (Second Thomas) Shoal at Recto (Reed) Bank ay saklaw ng EEZ ng Pilipimas, alinsunod sa UNCLOS at nagpapawalng-bisa sa aksyon ng China na pagharang sa mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough (Panatag) Shoal.

During US Vice President Kamala Harris visit to Palawan province which is near the West Philippine Sea exactly a month ago on Tuesday, she called on nations to respect the Hague court ruling and issued notice that the US stands with the Philippines “in the face of intimidation and coercion in the South China Sea.” 

“The United States stands with our ally, the Philippines, in upholding the rules-based international order and freedom of navigation in the South China Sea as guaranteed under international law,” giit ni Price.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Chinese Embassy ukol dito. RNT/SA