US Coast Guard ship dumaong na sa Pinas

US Coast Guard ship dumaong na sa Pinas

August 30, 2022 @ 2:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakarating na sa baybayin ng Manila Bay ang United States Coast Guard Cutter (USCGC) Midgett (WMSL-757) kaninang umaga.

Kasama si US Ambassador to the Philippines, MaryKay Loss Carlson ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu na sumalubong at mainit na tinanggap ang pagdating ng USCG officers at crew na lalahok sa PCG- USCG joint search and rescue (SAR)exercise ngayong linggo.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, sa nasabing drill, ang PCG at USCG personnel ay gagayahin ang mga pagsasanay sa komunikasyon, manuevering, mga teknikal na demonstrasyon, mga operasyong paglaban, operasyon ng maliliit na bangka, tulong medikal at resolusyon.

Irerepresinta ng PCG sa nasabing pagsasanay ang BRP Gabriela Silang (OPV -8301), BRP Malabrigo (MRRV-4402), BRP Boracay (FPB-2401) at ang Coast Guard Aviation Force (CGAF) helicopter.

Ayon kay Abu, ang nasabing iniayatiba ay layon na matugunan ang maritime safety at mga hamon sa maritime sa pagtatasa sa kakayahan ng PCG at USCG para sa information exchange at interoperability sa karagatan.

Umaasa naman ni Ambassador Carlson na ang joint SAR exercise ng PCG at USCG ay magpapatibay sa kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at United States, lalo na sa paghawak sa maritime safety at maritime security sa loob ng malawak na eksklusibong economic zone ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden