US Defense chief Austin, nasa Pinas na

US Defense chief Austin, nasa Pinas na

February 1, 2023 @ 9:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dumating si United States Defense Secretary Lloyd Austin III  sa Pilipinas nitong Martes ng gabi.

Sinalubong siya ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa airport.

Maakikipagkita si Austin sa kanyang Philippine counterpart na si Defense Secretary Carlito Galvez Jr.

“Wheels down in the [PH flag] Philippines where I’ll meet with Secretary of National Defense Galvez & other senior leaders to build on our strong bilateral relationship, discuss a range of security initiatives, and advance our shared vision of a #freeandopenpacific,” tweet ni Austin, kung saan ibinahagi rin niya ang video niya sa habang bumababa sa eroplano.

Kabilang sa mga paksang inaasahang tatalakayin sa pulong kay Galvez at iba pang senior leaders ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), kasunduan ng US at ng Philippines na tinintahan noong 2014, base sa ulat nitong Miyerkules.

Ginagawaran ng EDCA ang US troops ng access sa designated Philippine military facilities, karapatan na magtayo ng mga pasilidad, at preposition equipment, aircraft, at vessels, subalit hindi ang permanent basing.

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong nakaraang buwan na binubusisi ang requests at proposals ng US ukol sa EDCA.

Ito ang ikalawang pagbisita ni Austin sa Pilipinas mula noong 2021.

“Honored to welcome @SecDef Austin back to the Philippines. His visit shows the United States’ ironclad commitment to our [PH flag] #FriendsPartnersAllies. @DNDPHL,” saad naman sa tweet ni Carlson. RNT/SA