US Defense secretary kay Galvez: MDT siguradong pagaganahin sa armed attack vs Pinas

US Defense secretary kay Galvez: MDT siguradong pagaganahin sa armed attack vs Pinas

February 24, 2023 @ 8:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – MULING iginiit ni United States Defense Secretary Lloyd Austin III na ang anomang armed attack sa Philippine ships at aircraft sa South China Sea ay maaaring magresulta ng invocation o pagpapagana sa Mutual Defense Treaty (MDT).

Ang commitment na ito ni Austin ay matapos ang phone call kay Department of National Defense (DND) officer-in-charge Undersecretary Carlito Galvez Jr., nitong Miyerkoles.

“Austin reiterated that the US’ commitment to the alliance remains ironclad, and that an armed attack on Philippine armed forces, aircraft, and public vessels, including the Coast Guard, anywhere in the South China Sea, would invoke US mutual defense commitments under Article IV of the MDT,” ayon sa ipinalabas na kalatas ni DND spokesperson Arsenio Andolong.

Nakasaad kasi sa Article IV ng MDT sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na “each Party recognizes that an armed attack in the Pacific area on either of the Parties would be dangerous to its own peace and safety and declares that it would act to meet the common dangers in accordance with its constitutional processes.”

Ang MDT sa pagitan ng dalawang bansa ay nilagdaan noong Agosto 30, 1951.

“Senior Undersecretary Galvez and Secretary Austin also agreed to expand cooperation with like-minded partners in the region, and emphasized the importance of keeping the Philippines-US alliance strong in order to maintain a free and open Indo-Pacific region,” aniya pa rin.

Sa isang kalatas, ikinalugod naman ni Galvez ang pagsuporta ng gobyerno ng Amerika sa Pilipinas sa kamakailan lamang na insidente sa West Philippine Sea kabilang na ang paggamit ng military-grade laser laban sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard sa bisinidad ng Ayungin Shoal. Kris Jose