US House Speaker Pelosi bumisita sa Taiwan

US House Speaker Pelosi bumisita sa Taiwan

August 3, 2022 @ 7:28 AM 2 weeks ago


TAIPEI, Taiwan – Dumating na si US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan nitong Martes sa biyahe na aniya ay naglalayon na ihayag ang “American solidarity” sa Chinese-claimed island, ang pinakaunang pagbisita sa loob ng 25 taon at nagbabadyang makaapekto sa relasyon ng Washington at Beijing.

Lumapag si Pelosi at kanyang delegasyon mula sa US Air Force transport plan sa Songshan Airport sa Taipei at sinalubong ng foreign minister ng Taiwan na si Joseph Wu at ni Sandra Oudkirk, top US representative sa Taiwan.

“Our congressional delegation’s visit to Taiwan honors America’s unwavering commitment to supporting Taiwan’s vibrant democracy,” pahayag ni Pelosi. “America’s solidarity with the 23 million people of Taiwan is more important today than ever, as the world faces a choice between autocracy and democracy.”

Agad namang kinondena ng China ang pagbisita ni Pelosi, kung saan sinabi ng foreign ministry na ang pagpunta nito sa Taiwan, “has a severe impact on the political foundation of China-US relations, and seriously infringes upon China’s sovereignty and territorial integrity.” Inihayag ng ministry na nagkasa ito ng matinding protesta sa US.

Namataan ang Chinese warplanes sa linyang naghahati sa Taiwan Strait nitong Miyerkules, bago ang pagdating ni Pelosi, at sinabi ng Chinese state media na magsasagawa ang People’s Liberation Army ng exercises sa Taiwan mula Huwebes hanggang Linggo.

Si Pelosi, na “second in the line of succession” sa US presidency at matagal nang kritiko ng Beijing, ay naglalakbay sa Asya kabilang ang inanunsyong pagbisita sa Singapore, Malaysia, South Korea at Japan. Hindi inanunsyo ang pagpunta niya sa Taiwan subalit inaasahan na ito ng marami.

Sa Washington Post opinion piece na inilabas pagkarating niya sa Taiwan, ibinahagi ni Pelosi ang mga dahilan ng kanyang pagbisita, at pinuri ang Taiwan sa paninindigan nito sa democratic government habang pinuna naman ang China sa pagpapainit ng tensyon sa Taiwan sa mga nakalipas na taon.

“We cannot stand by as the CCP proceeds to threaten Taiwan – and democracy itself,” Pelosi aniya, na tinutukoy ang Chinese Communist Party.

Binanggit din ni Pelosi ang “brutal crackdown” ng China laban sa political dissent sa Hong Kong, maging ang pagtrato sa Muslim Uighurs at ibang minorities, na itinuturing ng United States na genocide.

Nauna nang inihayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi nitong Martes na ang US politicians “who play with fire” sa Taiwan issue “will come to no good end”.

Iginiit naman ni White House national security spokesperson John Kirby matapos ang pagdating ni Pelosi sa Taiwan na ang United States “is not going to be intimidated” sa mga banta ng China. Iginiit ni Kirby na hindi ito paglabag sa anumang sovereignty issues o “one-China policy” ng America.

“There’s no reason for this visit to become a spurring event for a crisis or conflict,” dagdag ni Kirby.

Inanunsyo ng presidential office ng Taiwan na makikipagpulong si President Tsai Ing-wen kay Pelosi ngayong Miyerkules ng umaga. Batay pa sa mga source, makikipagkita rin si Pelosi sa grupo ng mga aktibista na kritiko ng human rights record ng China.

Si Pelosi, 82, ay close ally ni US President Joe Biden, na parehong miyembro ng Democratic Party, at key figure sa paggabay sa kanyang legislative agenda sa US Congress. RNT/SA