US investors inimbitahan ni PBBM: Tamang panahon na para mamuhunan sa bansa

US investors inimbitahan ni PBBM: Tamang panahon na para mamuhunan sa bansa

September 23, 2022 @ 8:25 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “economic resurgence” ng Pilipinas kasunod ng COVID-19 pandemic.

Inimbitahan din ng Pangulo ang mga negosyante na mamuhunan na ngayon sa Pilipinas.

Nakaharap na kasi ng Pangulo ang business sector sa isang economic briefing sa New York, araw ng Huwebes (PHL time), kung saan sinabi ni Pangulong Marcos na “The country is on its way to a strong recovery from the pandemic and to a robust broad-based growth in the next six years.”

“In fact, our projected economic performance in the medium term is expected to surpass our regional neighbors. And therefore, we invite strategic investors from the US to take part in this Philippines economic resurgence,” wika ng Pangulo.

“It is our belief that the Philippines is the smart investment choice and the best time to do business with us is now,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, magbubukas ng pinto ang kanyang administrasyon para sa “high value investments” kapwa mula sa domestic at international business communities dahil makalilikha aniya ito ng de-kalidad na trabaho sa mga Filipino.

Sa katunayan, bumalangkas na aniya ang kanyang economic team ng eight-point socio-economic agenda na naglalayong bawasan ang poverty incidence at itaas naman ang upper-middle income status ng bansa.

Wika pa nito, tutugunan ng kanyang administrasyon ang epekto ng lumalaking ‘inflationary pressures’ dahil sa tumataas na global prices ng mga pangunahing bilihin gaya ng pagkain at langis.

“Ensuring domestic food security is a priority by boosting local food production and continuing the provision of targeted support for sectors most-affected by the rise in fuel prices,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Samantala, paiigtingin naman ng gobyerno ng PIlipinas ang paglikha ng hanapbuhay sa pamamagitan ng pamumuhunan sa imprastraktura at human capital development.

Ipagpapatuloy naman ng Pilipinas na isulong ang investments o pamumuhunan sa public infrastructure, paghusayin ang interconnectivity sa transport networks, i-promote ang Filipino brand, at muling buhayin ang domestic at foreign tourism para sa ligtas na muling pagbubukas ng mga tourist destinations ng bansa.

Ayon sa Pangulo, nakakasa na ang structural reforms na naglalayong payagan ang mas malawak na partisipasyon sa industurya, gamit ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act, at economic liberalization measures.

“We have grand opportunities, the timing, the window of opportunities for investments and especially in capital-intensive investments in the Philippines which is what we need now, we believe the time is now,” ayon kay Pangulong Marcos.

“I am sure that it will be useful for both the sides — the Philippine side, both in the government side, and in the private sector side, and for our potential US investors. I look forward to seeing you all as we open your businesses back in the Philippines,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo. Kris Jose