US investors sinuyo ni PBBM

US investors sinuyo ni PBBM

September 20, 2022 @ 10:17 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi maisip ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi nito kaalyado at katuwang ang Estados Unidos sa hinaharap.

Sa katunayan, niligawan ng Pangulo ang mga American investors para sa future investments sa Pilipinas.

Sa naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa New York Stock Exchange (NYSE) Business Forum, Martes ng umaga (Manila time), sinabi ng Chief Executive na malinaw para sa kanya na ang ugnayan ng dalawang bansa ay hindi lamang para sa usaping politika.

“I cannot see the Philippines in the future without having the United States as a partner … Many of the drivers of our early economy were actually American corporations. Many of the strongest corporate benefactors to government and to the rest of society in the Philippines were coming from the United States,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam ni NYSE vice chair at chief commercial officer John Tuttle.

Aniya, ang mas lalo pang pinalakas na Philippines-US alliance at partnerships ay “extremely necessary” sa gitna ng lumalaking economic at geopolitical crisis na naranasan sa buong mundo.

“They… partnerships provide the stability in these highly-unstable economic, political, geopolitical, and diplomatic environment. This is something that is central to our thinking when it comes to our economic planning for the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos.

Aniya pa, kapuwa ang dalawang bansa ay “driven together by forces that exist now in the world”.

“We still look to the United States as our partner. When we are in crisis, we look to the United States … I have to say that the reason we have done that, is that for the most part, we can say that the United States has not failed us,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, ang naging pagbisita ng Pangulo sa Estados Unidos ay sa gitna ng tumataas na tensyon sa Indo-Pacific region, partikular na sa pagitan ng China at Estados Unidos, dalawang bansa na kapuwa iginigiit ang global power.

Samantala, makailang ulit namang inihayag ni Pangulong Marcos ang kanyang intensyon na mas lalo pang palakasin ang bilateral ties ng Pilipinas sa Amerika, traditional ally nito, sa panahon ng kanyang termino bilang Pangulo. Kris Jose