US, lumagda ng $1.2-B deal para sa 1.7M course ng molnupuravir ng Mercks



US, lumagda ng $1.2-B deal para sa 1.7M course ng molnupuravir ng Mercks

June 10, 2021 @ 2:17 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inihayag ng Merck & Co Inc. na pumayag ang US government na magbayad ng $1.2 billion para sa 1.7 million courses ng experimental COVID-19 treatment pill nito.

Ito ay kung mapapatunayan ang bisa ng oral antiviral treatment na molnupiravir laban sa COVID-19 sa isinasagawa nilang trial at mabigyan ng awtorisasyon ng US regulators.

Ang treatment course na sinusubukan sa trial ay isang oral dose na ibinibigay kada 12 oras sa loob ng limang araw.

Layon ng gamot na mapigilan ang paglala ng kondisyon ng mga may COVID-19 at mabawasan ang posibleng pagkaka-ospital o pagkamatay ng pasyente.

Lumahok din sa ikatlong phase ng clinical trial ng gamot ang Lung Center of the Philippines kung saan naghahanap na sila ng mga volunteer.

Umaasa ang Merck na makapagpo-produce sila ng 10 million courses pagsapit ng katapusan ng taon at nakikipag-usap na rin sila sa ibang mga bansang interesado sa advance purchase agreement ng molnupiravir.

Kapag naging matagumpay, target ng Mercks na maghain ng emergency use authorization ng molnupiravir sa kalagitnaan ng 2021.

Ilan pa sa mga antiviral drug na posibleng maging kauna-unahang gamot laban sa COVID-19 ay ang PF-07321332 ng Pfizer Inc. at ang AT-527 ng Roche Holdings AG. RNT


  •  
  •  
  •