US maaasahan ng Pinas vs mga hamon sa ekonomiya

US maaasahan ng Pinas vs mga hamon sa ekonomiya

October 18, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Maaari pa ring asahan ng Pilipinas ang Estados Unidos sa usapin ng “economic hardship” sanhi ng paghina ng piso laban sa dolyar.

Sinabi ni US envoy to the Philippines MaryKay Carlson, ang Estados Unidos “continue to be a committed partner for the Philippines on the whole array of economic challenges” habang ang buong mundo ay nagtatangka na kumawala mula sa global crisis na bitbit ng iba’t ibang kadahilanan  kabilang na ang Covid-19 pandemic at Ukraine-Russia conflict.

Inihayag ito ni Carlson  sa isang press conference na idinaos sa Makati City residence, habang ang  Philippine peso ay tumama sa “all-time low” laban sa dolyar na  P59.

Habang nagbigay naman ng kasiguraduhan si Carlson na ang mga ekonomista ng dalawang bansa ay nagtutulungan sa pabago-bagong epekto ng global downturn,  sinabi rin nito na ginagawa ng Estados Unidos ang lahat ng makakaya nito upang tulungan ang Pilipinas, ikonsidera na rito ang “improved economic relationship between the US and the Philippines.”

“These included the continuous development assistance programs held by the USAID in the country, the engagements of at least three members of the American Chamber of Commerce with the Philippines, as well as various public-private partnerships,” ani Carlson sabay sabing “What we see is…an economic downturn or economic challenges that are a result of supply chain disruption that are in part due to pandemic, but also naked aggression by Russia into Ukraine, that also led to some critical shortages on foodstuff, energy problems.”

“So this is a much more complex issue than any single bilateral relationship. We cannot say this is a US-Philippine issue. This is a global challenge,” aniya pa rin. Kris Jose