US mamimigay ng 400M libreng N95 mask sa CVS, Walgreens

US mamimigay ng 400M libreng N95 mask sa CVS, Walgreens

January 20, 2022 @ 11:37 AM 7 months ago


US – Mamamahagi ang pamahalaan ng Amerika ng 400 milyong non-surgical N95 masks mula sa kanilang strategic national stockpile sa publiko simula sa susunod na linggo.

Sinabing kaya ng N95 face mask na mag-filter ng 96% ng ‘particulate matter’ ng hangin.

Dadalhin naman ito sa pharmacies at  community health centers ngayon para ma-pick up na agad sa susunod na linggo.

Kasama sa target na mapadadalhan ang retail chain CVS na may 10,000 U.S. pharmacy locations kasama na ang mga nasa Target stores at Walgreens, na may higit 9,000 stores.

Bukod pa rito, mayroon ding libreng rapid home tests available sa kanilang website na inilunsad noong Miyerkoles.

“This is the largest deployment of personal protective equipment in U.S. history,” lahad pa ng pamunuan. RNT/FGDC