US mamumuhunan ng $5M para sa COVID-19 vax rollout

US mamumuhunan ng $5M para sa COVID-19 vax rollout

November 21, 2022 @ 11:10 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Dumating na sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris para sa kanyang three-day visit.

Nakatakda  nitong ianunsyo ang  $5 million investment  ng gobyerno ng Estados Unidos para sa COVID-19 vaccine rollout at inisyatiba na tulungan ang mga Filipino veterans at child survivors sa  online sexual exploitation.

Sinabi ni US Embassy, magi-invest ang US government  ng  $5 million para pabilisin ang vaccine rollout sa pamamagitan ng  Global VAX initiative kontra  COVID-19.

Bukod dito,  magi-invest din ang US government ng $8 million para tulungan ang Pilipinas na pigilan ang hindi maiiwasang  outbreaks, matuklasan ng mas maaga ang health threats at  kagyat na matugunan at epektibo sakali at magkaroon ng outbreaks.

“In addition, the US Centers for Disease Control & Prevention (CDC) have established a new country office in the Philippines. These efforts reflect the United States’ prioritization of US-Philippines health partnership under the Global Health Security Agenda (GHSA),” ayon sa embahada.

Idagdag pa, titiyakin naman ng  US Department of Veterans Affairs  sa mga  Filipino veterans  ng US military at kanilang pamilya  ang makikinabang mula sa PACT Act,  isang batas na  “expands health care and benefits for veterans exposed to burn pits and other toxic substances.”

Kabilang na rito ang paglulunsad ng  Tagalog-language version  ng PACT Act claims portal.

Matatandaang,  nilagdaan ni  US President Joe Biden ang PACT Act  nitong buwan ng Agosto ngayong taon para bigyan ang henerasyon ng mga beterano at kanilang pamilya ng  “with the care and benefits they’ve earned and deserve.”

Winika pa ng US Embassy na maglulunsad ang  US government  ng bagong programa kasama ang  World Hope para labanan ang  online sexual exploitation of children (OSEC) at suportahan ang OSEC survivors sa Pilipinas.

“[This] reflects our shared commitment to eliminating human trafficking and preventing children from being exploited by sex traffickers and online predators,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose