US Marine, nilamon ng karagatan

US Marine, nilamon ng karagatan

August 11, 2018 @ 3:28 PM 4 years ago


Sulu – Naglunsad ng malawakang rescue operations ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard para sa nawawalang US Marine na nahulog sa karagatang sakop ng Sulu.

Kasunod ito ng pagpayag sa isang diplomatic clearance mula sa US assets para makatulong na rin sa pamahalaan sa pagtunton at pagsagip sa nawawalang kapwa US service man na nakatalaga sa 13th Marine Expeditionary Unit.

Katuwang na sa rescue efforts ng US Navy, US Marine ang mga barkong pandigma ng Pilipinas.

“We allowed the entry of rescue ships and aircraft,” pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Una nang naiulat na nawawala ang US marine dakong alas-9:40 ng gabi ng Huwebes matapos mahulog mula sa US warship USS Essex (LHD2) sa bahagi ng Sulu Sea kung saan pinalawak pa ang paghahanap hanggang sa Surigao Strait.

Nangyari ang insidente habang nagsasagawa ang naturang barko ng kanyang “routine operations” sa lugar.

Sinabi ni Lorenzana na nawawala sa laot ang US marine at hindi ang espekulasyon na hawak na ito ng local terrorist groups particular ng Abu Sayyaf na kumikilos sa isla ng Sulu sa pinakadulong bahagi ng timog-kanluran ng bansa.

Pina-deploy ng US Navy ang kanilang p-8 surveillance aircraft habang nagpatulong na rin ito sa PCG dala ang BRP Malabrigo.

Bukod sa PCG, nagpadala na rin ang western Mindanao command ng kanilang sea at air assets na una ng naghanap sa nawawalang US marine.

Ayon naman kay US Navy Captain Gerald Olin, na siyang nangunguna sa search and rescue mission, lahat ay gagawin para mabawing muli ang kanilang tauhan.

“All our Sailors, Marines, and available assets aboard the USS Essex have been and will continue to be involved in this incredibly important search and rescue operation,” saad pa ni Olin.

“As we continue our search operation, we ask that you keep our Marine and Marine’s family in your thoughts and prayers. We remain committed to searching for and finding our Marine.”- pahayag naman ni Marine Col. Chandler Nelms, ang commanding officer ng 13th MEU. (Jeff Gallos)