US, muling nagbabala sa China laban sa panggigipit sa PH forces

US, muling nagbabala sa China laban sa panggigipit sa PH forces

July 12, 2021 @ 6:25 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Binalaan muli ng Estados Unidos ang Tsina na mauuwi sa 1951 U.S.-Philippine mutual defense treaty ang pag-atake nito sa pwersa ng Pilipinas sa South China Sea.

Komento ito ni U.S. Secretary of State Antony Blinken kaugnay ng ika-limang taong anibersaryo ng naipanalong kaso ng Pilipinas laban sa China sa The Hague na nagbabasura sa mga territorial claim nito sa South China Sea.

“The United States reaffirms its July 13, 2020 policy regarding maritime claims in the South China Sea,” saad ni kung saan tinukoy nito ang pag-reject ng Trump administration sa pang-aangkin ng Tsina sa offshore resources ng malaking bahagi ng South China Sea.

“We also reaffirm that an armed attack on Philippine armed forces, public vessels, or aircraft in the South China Sea would invoke U.S. mutual defense commitments under Article IV of the 1951 U.S.-Philippines Mutual Defense Treaty,” dagdag niya.

Nakasaad sa artikulo ng kasunduan na kinikilala ng bawat partido na ang armadong pag-atake sa Pacific area ng alinmang panig ay magiging mapanganib sa sarili nitong kapayapaan at kaligtasan at idinedeklarang kikilos ito upang tugunan ang mga panganib alinsunod sa mga prosesong konstitusyonal. RNT