US nag-alok ng $2B military aid sa Ukraine

US nag-alok ng $2B military aid sa Ukraine

February 24, 2023 @ 1:39 PM 4 weeks ago


UNITED STATES – Magpapadala ng $2 billion halaga ng bagong military aid package ang Estados Unidos sa Ukraine, ayon sa isang top US official nitong Huwebes, Pebrero 23, o isang araw makalipas ang unang anibersaryo ng pananakop ng Russia sa nasabing bansa.

“Today, the United States announced a further $2 billion in security assistance to Ukraine,” ayon kay National Security Advisor Jake Sullivan sa panayam ng CNN.

Hindi naman ito nagbigay ng detalye kung ano-anong uri ng mga armas ang laman ng naturang package.

Ayon kay Sullivan, kasama ni Pangulong Joe Biden sa isang surprise trip sa Kyiv nitong linggo, na pinagdedesisyunan pa ng US officials kung anong tulong ang ibibigay ng bansa sa Ukraine upang maipanalo ang laban kontra Russia.

Sinabi rin niya na habang nasa Kyiv ay ibinigay ni Biden kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang ” announcement of more artillery, more ammunition, more HIMARS,” na dagdag pa sa nauna nang pangako ng US na armored vehicles at tanke. RNT/JGC