US nagbanta sa Tsina sa mga hakbang sa Pinas, Taiwan

US nagbanta sa Tsina sa mga hakbang sa Pinas, Taiwan

April 8, 2021 @ 8:17 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

WASHINGTON – Direktang binantaan ng United States ang Tsina laban sa mga hakbang nito sa Pilipinas at Taiwan na nagpapalala sa tensyon sa mga pinag-aagawang karagatan.

Pinaalala rin sa Beijing ang obligasyon ng USA sa mga kaalyadong bans anito.

“An armed attack against the Philippines’ armed forces, public vessels or aircraft in the Pacific, including in the South China Sea, will trigger our obligations under the US-Philippines Mutual Defense Treaty,” ani State Department spokesman Ned Price.

“We share the concerns of our Philippine allies regarding the continued reported massing of PRC maritime militia near the Whitsun Reef,” giit pa ni Price na tumutukoy sa People’s Republic of China.

Matatandaan na nitong Marson ang mamataan ang higit 200 bangka ng Tsina sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea, nabawasan ito sa higit 40 na lamang ngayong Abril.

Sumiklab din ang tensyon sa Taiwan kung saan 15 na mainlan plane ang dumaan sa air defense zone.

Nagpahayag naman ng pagkabala si Price at sinabing:  “The United States maintains the capacity to resist any resort to force or other forms of coercion that would jeopardize the security or the social or economic system of the people on Taiwan.” RNT


  •  
  •  
  •