US nagbigay ng 4 drone sa PAF

US nagbigay ng 4 drone sa PAF

October 14, 2021 @ 6:28 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Namigay ng apat na ScanEagle unmanned aerial systems (UAS) ang militar ng Estados Unidos sa Hukbong Himpapawid ng Pilipinas, ayon sa US Embassy nitong Huwebes.

Inaasahang ang mga natanggap na drones na personal pang inabot kina Defense Secretary Delfin Lorenza at PAF commander Lieutenant General Allen Paredes sa Clark Air Base nitong Miyerkules, ay magpatibay sa  pagtuglisa sa terorismo at pagbibigay tulong sa bansa. 

Magbibigay ng karagdagang suporta sa  unmanned Intelligence, Surveillance, Reconnaissance (ISR) ang apat na ScanEagle UAS na nagkakahalagang $4 milyon o P20 milyon, base sa US Embassy.

Inihatid ni Chargé d’Affaires, ad interim (CDA) Heather Variava at mga opisyal mula US Embassy sa Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) ang mga UAS system upang mapalawak ang kamalayan sa kapabilidad ng bansa pagdating sa border security. 

“We remain committed to our promises on helping modernize the Armed Forces of the Philippines (AFP), and we hope this will further strengthen our combined capabilities in working together towards a free and open Indo-Pacific,” pahayag ni Variava.

Sinabi ng embahada na nagbahagi ang Estados Unidos sa AFP ng tulong pinansyal at pinabilis na pagbebenta ng mga armas upang suportahan ang makabagong seguridad sa dagat at makataong kawanggawa. 

Simula 2015, mahigit $1.06B o P50.6 bilyong halaga na ng eroplano, barko at kagamitang pangmilitar na ang ibinigay ng Estados Unidos sa bansa. Sa kasalukuyan ay Pilipinas ang may pinakamalaking natanggap na tulong mula sa militar ng Estados Unidos, sa buong rehiyon ng Indo-Pacific, saad ng embahada ng Amerika. RNT


  •  
  •  
  •