US nagbigay pa ng P51.1M humanitarian assistance sa Odette victims

US nagbigay pa ng P51.1M humanitarian assistance sa Odette victims

February 3, 2022 @ 6:10 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naglaan ang United States (US) ng karagdagang 51.1 milyon o $1 milyong humanitarian assistance para sa mga komunidad na nasalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

Ibinigay ito sa pamamagitan US Agency for International Development (USAID) kung kaya’t umabot sa P1.08 bilyon o $21.2 milyon.

“As friends, partners, and allies, we will continue to support the Philippines in its post-typhoon recovery,” ani US Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava sa pahayag.

“This additional assistance will help deliver food and other essential items to communities devastated by the typhoon.”

May koordinasyon aniya ito sa Office of Civil Defense (OCD), USAID, at World Food Programme kung saan magdedeploy ng 300 trak upang mag-transport ng food at relief supplies sa remote areas na apektado ng bagyo.

Nauna na ngang naglaan ang US ng P950 milyon para sa mga nasalanta partikular sa Visayas at Mindanao. RNT/FGDC