US nagkasa ng joint air exercises sa SoKor, Japan kasunod ng NoKor ICBM launch

US nagkasa ng joint air exercises sa SoKor, Japan kasunod ng NoKor ICBM launch

February 20, 2023 @ 10:24 AM 1 month ago


SEOUL- Nagsagawa ang United States ng joint air exercises kasama ang South Korea at Japan kabilang ang strategic bombers nitong Linggo, kasunod ng paglulunsad ng North Korea ng Hwasong-15 intercontinental ballistic missile (ICBM) sa “sudden launching drill.”

Sinabi ng South Korea’s Joint Chiefs of Staff sa pagsasanay, kung saan ipinakita ng South Korea’s F-35A, F-15K at US F-16 fighters ang “overwhelming” defense capabilities at readiness posture ng allies.

“[The exercise] strengthened the combined operation capability and affirmed the United States’ ironclad commitment to the defense of the Korean Peninsula and the implementation of extended deterrence,” pahayag ng  militar ng South Korea.

Pinalipad naman ng Japan flew F-15s sa Sea of Japan kasabay ang US Armed Forces’ B-1 bombers at F-16s sa tactical exercises, ayon sa Japan’s Defense Ministry, an tinawag ang security environment na “increasingly severe” kasunod ng paglulunsad ng North Korea ng missile na bumagsak sa Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.

“This bilateral exercise reaffirms the strong will between Japan and the United States to respond to any situation, the readiness of [Japan’s Self Defense Forces] and US Armed Forces, and further strengthens the deterrence and response capabilities of the Japan-US Alliance,” anang ministry.

Isinagawa ang air drillsisang araw matapos ilunsad ng North Korea ang long-range ballistic missilenito sa Japan’s west coast, kasunod ng babala ng pagtugon nito sa napipintong military drills ng South Korea at ng United States.

Sinabi ng North Korea’s state media KCNA na nagsagawa ang bansa ng “sudden launching drill” nitong Sabado bilang “actual proof” ng aksyon nito na gawin ang “capacity of fatal nuclear counterattack on the hostile forces into an irresistible one.”

“I warn that we will watch every movement of the enemy and take corresponding and very powerful and overwhelming counteraction against its every move hostile to us,” ayon naman sa kapatid ni Kim Jong Un, na si Kim Yo Jong. RNT/SA