US nangako ng $40-M tulong sa Sri Lanka

US nangako ng $40-M tulong sa Sri Lanka

September 12, 2022 @ 2:40 PM 3 weeks ago


SRI LANKA – Nangako ang Estados Unidos na magbibigay ito ng $40 milyon halaga ng tulong sa Sri Lanka.

Ang mga ito ay gagamitin upang ipambili ng mga fertilizer at gamit sa pagsasaka upang tulungan na makabangon muli ang mga magsasaka sa bansa.

Matatandaan na kamakailan ay nakaranas ng pinakamalalang krisis sa ekonomiya ang Sri Lanka at nagkulang din sa mga pangangailangan katulad ng pagkain, gasolina at gamot.

“The farmers that I just met with described enormous challenges that the economic crisis has placed on them and their families and the whole community. They described phenomena that were unimaginable two, three years ago,” kwento ni USAid Administrator Samantha Power.

Sa huling ulat ng World Food Program, mahigit anim na milyong mga residente ng Sri Lanka o 30% ng kabuoang populasyon ang nakararanas ngayon ng kahirapan at matinding gutom.

Umabot na rin sa mahigit $51 bilyon ang utang ng nasabing bansa. RNT/JGC