US nangakong pahuhupain ang tensyon sa Taiwan Strait

US nangakong pahuhupain ang tensyon sa Taiwan Strait

August 6, 2022 @ 3:30 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni US Secretary of State Antony Blinken nitong Sabado na determinado ang Estados Unidos na pahupain ang tensyon sa Taiwan Strait upang matiyak ang kaligtasan ng rehiyon, maging ng Pilipinas at masiguro ang access sa major waterway, kung saan dumaraan ang maraming trading ships.

“Maintaining peace and stability across the Taiwan Strait is vital not only for Taiwan but for the Philippines and many other countries,” pahayag ni Blinken sa virtual joint press conference kasama si Foreign Secretary Enrique Manalo sa Manila.

“What happens to the Taiwan Strait affects the entire region and in many ways affects the entire world like the South China Sea is a critical waterway.”

Bilang tugon sa pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, nagsagawa ang China ng pinakamalaki nitong military drill malapit sa self-governing island nitong Huwebes, kung saan nagpasabog ng missiles at nagpalipad ng mga eroplano. Sinabi naman ng Japan na lima sa mga missile ang nag-land sa economic zone nito.

Inaasahang magpapatuloy ang Chinese military exercises hanggang Linggo. RNT/SA