US Open champ Raducanu positibo sa COVID-19

US Open champ Raducanu positibo sa COVID-19

December 15, 2021 @ 12:36 PM 9 months ago


MANILA, Philippines – Hindi magkapag lalaro si US Open champion Emma Raducanu sa exhibition event ng Mubadala World Tennis Championship sa Abu Dhabi matapos itong magpositibo sa COVID-19.

Maghaharap sana ang 19-anyos na British tennis star Raducanu  at si Olympics singles gold medalist Belinda Bencic sa Disyembre 16-18.

Dahil sa pangyayari, kasalukuyan itong naka-isolate at dismayado dahil sa sabik na itong makalaro sa harap ng kanyang mga fans.JC