US: Pagpalya sa bakuna, ‘di kasalanan ng FB

US: Pagpalya sa bakuna, ‘di kasalanan ng FB

July 19, 2021 @ 2:49 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

US- Dinipensahan ng Facebook nitong Sabado, Huyo 17, ang bintang ni US President Joe Biden na social media ang dahilan ng pagpalya ng pagbabakuna sa mga residente.

“The data shows that 85% of Facebook users in the US have been or want to be vaccinated against COVID-19,” sagot ni Facebook vice president Guy Rosen sa isang blog post.

President Biden’s goal was for 70% of Americans to be vaccinated by July 4. Facebook is not the reason this goal was missed,” aniya.

Matatandaang kumalat ang mga maling impormasyon tungkol sa COVID-19 sa mga social media platform gaya ng Facebook, Twitter, at Youtube.

Higit lalong inaakusahan ang Facebook sa pagpalya nitong mapigilan ang pagkalat ng mga mali at pekeng impormasyon na siyang sanhi ng hindi pagpapabakuna ng mga residente bunga ng takot.

“They’re killing people. … Look, the only pandemic we have is among the unvaccinated. And they’re killing people,” pahayag ni Pangulong Biden patungkol sa Facebook.

Samantala, nagtakda na ng mga patakaran ang Facebook laban sa mga maling datos at siniguro na na tanging tama at maaasahang impormasyon na lamang ang kanilang ihahatid.

Sa ngayon ay patuloy na kumakalat sa buong mundo ang bagong strain ng virus na Delta Variant na sinasapul ang mga residenteng wala pang bakuna sa U.S.

Tinatayang mas mataas ng 70% ang bilang mga kaso sa nasabing bansa at 26% ang nasawi kumpara sa naraang linggo. RNT/Riza Guarin-trainee

 


  •  
  •  
  •