US pinaaaksyon ni PBBM sa tumataas na presyo ng langis

US pinaaaksyon ni PBBM sa tumataas na presyo ng langis

November 13, 2022 @ 8:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni PangulongFerdinand Marcos Jr. ang Estados Unidos na gamitin ang global influence para pigilan ang tumataas na presyo ng langis.

Ang pangamba na maputol ang suplay ng langis resulta ng girian sa pagitan ng Russia at Ukraine at indikasyon ng Western sanctions na nakatutok sa Russian economy ang dahilan ng sinasabing pagtaas ng langis.

Sa Pilipinas, pumalo na ang inflation sa 7.7% noong Oktubre, pinakamataas sa loob ng 14 na taon, dahil sa nananatiling pagtaas ng presyo ng pagkain dahil sa ‘supply challenges’ dala ng external pressures gaya ng Russia-Ukraine war at ang pananalasa ni Bagyong Karding.

“We appeal as well to the United States to use its global influence to help ease the current global plight of rising fuel prices that we all have to deal with. We also encourage the US’ long-term support for the implementation of the ASEAN Plan of Action on Energy Cooperation,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging interbensyon sa idinaos na 10th ASEAN-US Summit in Phnom Penh, Cambodia.

Hiniritan din ni Pangulong Marcos ang Estados Unidos ng suporta na labanan ang climate change at protektahan ang kapaligiran.

“We also appeal for the US’ support for the work of the ASEAN Center for Biodiversity. The Center preserves ASEAN’s varied ecosystems and mainstreams biodiversity across relevant sectors. This is to increase resilience against climate change, its impacts, and natural disasters,” ang wika ng Pangulo.

“Furthermore, its work is critical in mitigating emerging and re-emerging infectious zoonotic diseases and pandemics.” aniya pa rin.

Si President Joe Biden ang tumayong kinatawan ng Estados Unidos sa nasabing pulong. Kris Jose