US Pres. Trump at Queen Elizabeth, magkikita sa susunod na buwan

US Pres. Trump at Queen Elizabeth, magkikita sa susunod na buwan

June 21, 2018 @ 11:03 AM 4 years ago


Washington – Kinumpirma ni US Ambassador to the UK Robert Wood Johnson, na nakatakdang magkita sina US President Donald Trump at Queen Elizabeth sa susunod na buwan.

Ayon kay Ambassador Johnson, isa itong mahalaga at makasaysayang pagkikita.

“He has to see the head of state. Putting his foot on the ground of British soil, it’s job one — very, very important, very symbolic,” paliwanag nito.

Magtutungo na sa susunod na linggo ang ilang opisyal ng White House para maplantsa na ang nasabing pagpupulong na mangyayari sa July 13. (Remate News Team)