US President Trump, pinauuwi na ang mga immigrants

US President Trump, pinauuwi na ang mga immigrants

June 25, 2018 @ 10:51 AM 4 years ago


Washington – Pinauuwi na ni United States President Donald Trump ang mga immigrant na iligal na pumasok sa bansa.

Sa isang tweet ni Trump, sinabi nitong hindi siya makapapayag na sakupin ng mga ito ang kanilang bansa kaya kapag may pumasok ay agad silang pauuwiin sa mga bansa nila.

“We cannot allow all of these people to invade our Country. When somebody comes in, we must immediately, with no Judges or Court Cases, bring them back from where they came. Our system is a mockery to good immigration policy and Law and Order. Most children come without parents,” tweet ng US President.

Tiniyak nito ang pagkakaroon ng matibay na border sa bansa at iiwasan din ang mga krimen.

Ang nasabing bagong kautusan ay kasunod ng batikos sa kaniyang ‘zero tolerance’ policy na nag-uutos na agad na kashuhan ang mga immigrant na iligal na papasok ng estado. (Remate News Team)