US Secretary of State Blinken at PBBM, magkikita sa sunod na linggo

US Secretary of State Blinken at PBBM, magkikita sa sunod na linggo

July 30, 2022 @ 9:15 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Kaabang-abang ang nakatakdang pagkikita nina US Secretary of State Antony Blinken at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo.

Darating kasi sa Pilipinas si Blinken para sa isang pagbisita na ang pangunahing layunin ay mas palakasin pa ang long-time alliance ng Washington sa Pilipinas.

Ito ang kauna-unahang byahe ni Blinken sa Pilipinas bilang US Secretary of State.

Ito rin ang kauna-unahang pagbisita ng isang US Secretary of State to the Philippines sa loob ng tatlong taon matapos ang naging pagbisita ni Mike Pompeo noong Pebrero 2019.

Bukod kay Pangulong Marcos, makikipagkita rin si Blinken sa kanyang Philippine counterpart Enrique Manalo, sa Agosto 6.

“They are expected to discuss bilateral efforts to strengthen the US-Philippines alliance, through increased cooperation on energy, trade, and investment, advancing shared democratic values, and pandemic recovery,” ayon sa kalatas ng US Embassy sa Maynila.

Samantala, may “standing invitation” naman si Pangulong Marcos mula kay US President Joe Biden para bisitahin ang Washington. Kris Jose