US Secretary of State Blinken bumisita sa Pinas

US Secretary of State Blinken bumisita sa Pinas

August 6, 2022 @ 9:30 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Dumating na si US Secretary of State Anthony J. Blinken sa bansa para makipagpulong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang counterpart Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ngayong Sabado.

Sinalubong nina DFA Chief of Protocol Fred Santos at Office of American Affairs Assistant Secretary JV Chan-Gonzaga si Blinken paglapag ng kanyang aircraft sa Villamor Airbase nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng US Embassy sa Manila na tatalakayin nina Marcos, Manalo, at Blinken ang “bilateral efforts to strengthen the US-Philippines alliance, through increased cooperation on energy, trade, and investment, advancing shared democratic values, and pandemic recovery.” 

Ito ang unang pagbisita ng US Secretary of State sa Pilipinas sa loob ng tatlong taon kasunod ni Mike Pompeo noong February 2019. RNT/SA