US study na nagbasura sa pag-angkin ng Tsina sa WPS, ikinatuwa ng Pinas

US study na nagbasura sa pag-angkin ng Tsina sa WPS, ikinatuwa ng Pinas

January 23, 2022 @ 4:01 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Pilipinas ang kamakailan lamang na ulat ng United States State Department na nagbabasura sa pag-angkin ng Beijing sa South China Sea.

“We welcome the affirmation of the 2016 arbitral award by the US State Department’s Limits in the Seas No. 150,” ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“This is consistent with the Philippines-US Joint Vision Statement, which states that the People’s Republic of China’s expansive maritime claims in the South China Sea are inconsistent with the international law of the sea,” dagdag na pahayag ng ahensya.

Ang pag-aaral na nauna nang inilathala nito lamang unang bahagi ng buwan ay nagsasabi na walang basehan ang China para igiit ang “historic rights” sa pinagtatalunang katubigan.

Tinukoy nito ang Hague ruling na nagpapawalang-bisa sa pang-angkin ng China.

Tinukoy pa rin sa report na ang East Asian giant’s maritime claims “gravely undermine the rule of law in the oceans.”

Samantala, kinatigan naman ni dating DFA Secretary Albert del Rosario ang naging pag-aaral ng US State Department.

Binigyang diin nito kung paang ang maliit na bansa gaya ng Pilipinas ay “can make such impact in the world.”

Para naman sa China, nangako ito na makikipagtulungan sa Pilipinas sa tamang paghawak ng nasabing isyu na may kinalaman sa South China Sea.

Binigyang diin nito na hindi sila mambu- bully ng mga maliit na bansa para resolbahin ang sigalot. Kris Jose