US target mag-deploy ng B-1B strategic bombers sa US-SoKor military drills

US target mag-deploy ng B-1B strategic bombers sa US-SoKor military drills

November 5, 2022 @ 3:34 PM 3 weeks ago


SEOUL – Sinisilip ng US Air Force namag-deploy ng B-1B strategic bombers sa US-South Korea military exercises ngayong Sabado, ayon sa Yonhap News, matapos magkasa ng North Korea ng weapons tests nitong mga nakalipas na araw bilang protesta sa allied military drills.  

Nagsasagawa ang Seoul at Washington ng “Vigilant Storm” air drills mula nitong Lunes, na pinalawig ng isang araw hanggang nitong Sabado, bilang tugon sa anila’y patuloy na aksyon ng North Korea.

Ito ang unang pag-deploy ng B-1B  sa US-South Korean drills mula 2017, base sa Yonhap.

Hiniling ng South Korea sa United States na paigtingin ang deployment ng “strategic assets”, kabilang ang aircraft carriers, nuclear submarines, at long-range bombers gaya ng B-1B.

Hindi agad na tumugon ang US at South Korean authorities sa mga hiling na magkomento hinggil dito.

Matapos ang pakikipag-usap kay Defense Secretary Lloyd Austin sa Washington noong Huwebes, sinabi ni South Korean Defense Minister Lee Jong-sup na sumang-ayon ang United States na magtalaga ng “US strategic assets to the level equivalent to constant deployment through increasing the frequency and intensity of strategic asset deployment in and around the Korean Peninsula.” RNT/SA