US tour ng The Boyz hinto muna; 3 miyembro tinamaan ng COVID

US tour ng The Boyz hinto muna; 3 miyembro tinamaan ng COVID

June 9, 2022 @ 12:37 PM 2 weeks ago


UNITED STATES – Inanunsyo ng IST Entertainment, talent agency ng Kpop boy group na ‘The Boyz’ na pansamantala muna nilang ihihinto ang US Tour ng grupo.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang tatlong miyembro nito na sina Juyeon, Kevin at Q kabilang na ang ilan pa sa mga tour staff nito.

Matatandaan na kasalukuyang nasa Estados Unidos ang The Boyz para sa kanilang ‘The Boyz World Tour: The B-Zone’.

Sa kasalukuyan, ang kanilang concert sa Dallas, ‘The B-Zone in Dallas’ at San Jose, ‘The B-Zone San Jose’ ang apektado ng postponement. RNT/JGC