US VP Harris bibisita sa Pinas sa sunod na buwan

US VP Harris bibisita sa Pinas sa sunod na buwan

October 30, 2022 @ 12:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bibisita si US Vice President Kamala Harris sa Pilipinas sa Nobyembre upang palakasin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa, ayon sa White House nitong Biyernes.

Unang pupuntahan ni Harris ang Bangkok para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting sa Nobyembre 18-19 bago magtungo sa Manila.

 “In the Philippines, she will meet with government leaders and civil society representatives. Her visit will re-affirm and strengthen the U.S.-Philippines Alliance and underscore the breadth of our cooperation as friends, partners, and allies,” pahayag ni White House Press Secretary Karine Jean-Pierre.

Kasama niya ang kanyang asawa, si Second Gentleman Douglas Emhoff, na namuno sa US delegation sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Hunyo 30. 

Ang pag-anunsyo sa pagbisita i Harris sa bansa ay kasunod ng pahayag ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na ipinaalam ng State Department sa US Congress na magbibigay ng $100 milyong foreign military financing sa Pilipinas kasunod ng kanselasyon ng Manila sa billion-peso helicopter deal sa Russia.

Ang US, isang long-time treaty ally ng Pilipinas, ang pinakamalaking supplier nito ng military hardware at mga armas.

Alinsunod ito sa 1951 defense treaty kung saan nakasaad na tutulungan ng US ang Pilipinas kapag nagkaroon ng armed attack. Nagsasagawa rin ang dalawang panig ng annual military drills. RNT/SA