US VP Harris bumisita sa Palawan

US VP Harris bumisita sa Palawan

November 22, 2022 @ 5:00 PM 5 days ago


PUERTO PRINCESA CITY, Palawan- Binisita ni US Vice President Kamala Harris nitong Martes ang fishing village ng Tagburos sa lugar na ito upang suriin ang pag-usad ng $28 -million USAID Fish Right Initiative.

Nakipag-usap si Harris sa USAID Fish Right project officials at tinanong ang mga ito ukol sa proyekto at kung paano ito nakatutulong sa komunidad.

Ang inisyatiba ay five-year program, mula 2018 hanggang 2023, na target labanan ang illegal, unreported and unregulated (IUU) fishing, kabilang na ang sa West Philippine Sea

“What are we learning here [in the fishing community]?” tanong ni sa project officials.

Binati rin niya ang grupo ng mga mangingisda na dumaraan sa lugar.

Nakipagkita rin si Harris sa mga babaeng mangingisda na gumagawa ng danggit (dried fish) at tinanong sila kung ilan ang nagagawa kada araw,

Base sa fact sheet mula sa US Embassy sa Manila bago dumating si Harris, tumututok ang Fish Right project sa fishing areas sar West Philippine Sea gaya ng Tagburos dahil “fisheries resources are further challenged due to encroachment by large scale, domestic fishing fleets on the nearshore grounds of small scale fishers due to competition and harassment from foreign maritime forces and private fishing vessels.”

Nakasaad din sa nasabing fact sheet na ang nahuhuling isda sa West Philippine Sea ay 27% ng huli ng bansa, at ang West Philippine Sea ay isa sa pinakamalaking reef areas na nangangailangan ng “collaborative and multidisciplinary approach to sustainable fisheries management in WPS to enhance progtram for effective use of science data in policies and management actions.”

Ang Pilipinas ay mayroong 12 Fishing Management Areas, kabilang ang Tagburos fishing village na tinitirhan ng 1,500 pamilya.

“Unsustainable fishing practices perpetuate a cycle of poverty and natural resource depletion. USAID Fish Right’s interventions are designed to advance sustainable and resilient fisheries, anchored on improving the resilience of small-scale fishers,” batay sa fact sheet.

“As one of USAID Fish Right’s learning innovation hubs in the West Philippine Sea, USAID will support Tagburos through a multifaceted set of interventions that includes IUU assessment and risk reduction planning, ensuring resilience of fish stocks, systematic marine protected area network designing, and improving fish catch through appropriate harvest controls,” dagdag nito.

Nagkakasa rin ang USAID Fish Right program sa fishing communities ng pagpapabuti ng financial literacy ng mga mangingisda; pagtatatag ng market linkages sa pagitan ng mga mangingisda at government agencies, academic institutions at private sector; pagbuo ng community savings associations, at paglikha ng micro enterprises upang mabawasan ang pagdepende nila sa marine resources.

Sinalubong si Harris ng mga kabataan ng Tagburos. RNT/SA