US VP Harris bumisita kay PBBM

US VP Harris bumisita kay PBBM

November 21, 2022 @ 2:31 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes, Nobyembre 21 si United States Vice President Kamala Harris  para sa kanyang courtesy call kay Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.

Pagdating sa Malakanyang, binigyan ng arrival honors ang Bise Presidente ng America.

Inaasahang tatalakayin sa pulong nina Pangulong Marcos at Harris ang pagpapalakas ng alyansa at economic ties ng Pilipinas at Estados Unidos.

Bukas naman, Nobyembre 22 ay nakatakdang bumisita ang US Vice President sa Palawan para sa isang makasaysayang pagbisita na lalahukan ng mga mangingisda, community leaders at ng Philippine Coast Guard.

Magsasalita siya sa harap ng mga ito upang ipaliwanag ang kahalagahan ng international law at kalayaan ng pangingisda at pagdaan sa South China Sea.

Bago pa rito, nilinaw na ni Marcos na ang pagbisita ni Harris sa Palawan ay hindi makaaapekto sa ugnayan naman ng Pilipinas at China.

Matatandaan na ang China ay isa sa umaangkin ng malaking bahagi ng South China Sea na malapit sa Pilipinas. Kris Jose