US VP Kamala Harris, makikipagpulong kina PBBM, VP Sara

US VP Kamala Harris, makikipagpulong kina PBBM, VP Sara

November 16, 2022 @ 8:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sa susunod na linggo si US Vice President Kamala Harris.

Magkakaroon si Harris ng hiwalay na miting kina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte bago pa siya bumiyahe patungong Palawan para sa isang  historic visit.

Layon ng kanyang pagbisita sa Palawan ay ang bigyang-diin ang commitment  ng Estados Unidos sa rule of law sa pinagtatalunang South China Sea.

Si Harris ay nakatakdang dumating sa Pilipinas sa Nobyembre  20  matapos dumalo sa  APEC Summit sa Bangkok, Thailand.

“The 58-year-old Harris will meet Marcos and Duterte on Nov. 21, Monday to enhance security and economic ties,” ayon sa  isang senior US administration official.

Magkakaroon naman ng pagkakataon si Harris  na magawa ang  civil society activities para  i-demonstrate ang  US “commitment and continued support for human rights and democratic resilience.”

Magpapartisipa rin siya sa townhall meeting kasama ang mga kabataang kababaihan.

“The Vice President prioritizes lifting up the voices of women and advocating for their economic empowerment civic participation,” ayon sa opisyal.

Matapos ito ay lilipad naman si Harris patungong Puerto Princesa, Palawan sa  Nobyembre 22.

“This is another historic visit, as the Vice President is the highest ranking US official ever to visit Palawan. This demonstrates the Biden-Harris administration’s commitment to stand by its Philippine ally in upholding the rules-based international maritime order in the South China Sea,” anito. Kris Jose