US warship ipinangalan sa Pinoy sailor hero

US warship ipinangalan sa Pinoy sailor hero

January 14, 2023 @ 2:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez na isang karangalan na dumalo sa ship-naming event bilang kinatawan ng bansa, at nagpasalamat sa United States (US) Navy sa pagkilala nito sa kabayanihan ni Filipino-American Petty Officer 2nd Class Telesforo De La Cruz Trinidad sa pamamagitan ng pagpapangalan ng barko sa kanya.

“It is my country’s honor to be invited to today’s event as we name your ship, the USS Telesforo Trinidad (DDG 139), after a Filipino American hero,” pahayag ni Romualdez.

“We sincerely appreciate it and I am sure that the family of the late Telesforo Trinidad is just as proud and honored as we are in the Philippines,” dagdag niya.

Kasama niya si Defense Attache Philippine Navy Captain Salvador Henry Quinto, maging si US Undersecretary of the Air Force Gina Ortiz Jones, na may lahi ring Pilipino, at ilang aktibong military members na kapwa may dugong Pinoy.

Pinangunahan ng US Navy led ang naming celebration ngUS Ship Telesforo Trinindad (DDG 139) sa Rayburn House Office Building sa Capitol Hill nitong Martes.

Pinangasiwaan ni Secretary of the Navy Carlos Del Toro ang selebrasyon, na siyang nag-anunsyo ng pagpapangalan sa Arleigh Burke-class guided-missile destroyer kay Filipino American Petty Officer 2nd Class Telesforo De La Cruz Trinidad noong Mayo 19, 2022.

Inihayag ni Del Toro ang “special bond” sa pangalan ng barko at ng sponsors nito—Christine Trinidad, great-granddaughter ni Petty Officer Trinidad, at retired Rear Adm. Connie Mariano, unang Filipino-American sa kasaysayan na naging US Navy Admiral at unang military woman sa kasaysayan ng Amerika na itinalagang White House physician.

“A ship’s commanding officer will change hands, and the crew will come and go, but the sponsors hold a special bond through the ship’s entire lifetime. I am excited for the enduring partnership that Christine and Connie will build with this ship and the crew in the years to come,” aniya.

Idinagdag ng opisyal na “it has been my honor to work with you (Romualdez) these past 18 months and to visit your beautiful country and to build the strong partnership that is so deserving and has always existed between the Philippines and the United States.”

Inihayag naman ng Embahada ang pasasalamat nito sa “hard work” ng Filipino community organizations “in campaigning for this momentous occasion and in highlighting the honorable military service of those with Filipino heritage.”

Binati rin nito ang Telesforo Trinidad Campaign Committee, na opisyal nang kasali sa USS Telesforo Trinidad Commissioning Committee sa pakikipag-ugnayan sa United States Navy.

Si Trinidad ay dating bumbero sa US Navy, na nakatanggap ang Medal of Honorpara sa pag-aksyon niya sa Mexican waters malapit sa La Paz, sakay ng USS San Diego noong Jan. 21, 1915.

Siya ang ikalawang service member, at nag-iisang Asian sailor na nakatanggap ng parangal sa panahon ng kapayapaan.

Nagsilbi si Trinidad sa parehong World Wars bago magretiro sa Pilipinas at mamatay sa Imus, Cavite sa edad na 77 noong Mayo 1968.

Isinilang siya sa Aklan province, Panay noong Nobyembre 25, 1890, at umanib sa US Navy matapos sakupin ng US anf archipelago sa kasagsagan ng Spanish-American War.

Subalit noong Jan. 21, 1915, nang masunog ang boiler ng barko, bumalik si Trinidad sa fireroom upang sagipin ang crewmate.

Nakaligtas naman siya sa insidente at pinarangalan ng Medal of Honor at $100 gratuity. RNT/SA