US WWII ship na natagpuan sa Pinas, itinuturing na ‘World’s Deepest Shipwreck’

US WWII ship na natagpuan sa Pinas, itinuturing na ‘World’s Deepest Shipwreck’

June 26, 2022 @ 10:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Natagpuan ang isang US navy destroyer na lumubog noong World War II halos  23,000 talampakan sa ilalim ng dagat sa Pilipinas, na maituturing na “world’s deepest shipwreck” na nadiskubre, ayon sa American exploration team.

Lumubog ang USS Samuel B Roberts sa labanan sa central island ng Samar noong Oktubre 25, 1944 sa pakikipaglaban ng US forces upang mapalaya ang Pilipinas– na noo’y kolonya ng Estados Unidos– mula sa pananakop ng mga Hapon.

Nakuhanan ng larawan ang battered hull ng “Sammy B” sa series of dives sa loob ng walong araw sa loob ng isang buwan, batay sa Texas-based undersea technology company na Caladan Oceanic.

“Resting at 6,895 meters, it is now the deepest shipwreck ever located and surveyed,” saad sa tweet ni Caladan Oceanic founder Victor Vescovo, na nanguna sa submersible. “This small ship took on the finest of the Japanese Navy, fighting them to the end.”

Base sa US Navy records, ang crew ng Sammy B “floated for nearly three days awaiting rescue, with many survivors perishing from wounds and shark attacks”. Sa 224 crew, 89 ang namatay.

Ang naturang labanan ay bahagi ng Battle of Leyte, sa pagitan ng US at Japanese forces na tumagal nang ilang araw. Isa ang Sammy B sa apat na US ships na lumubog sa October 25 engagement. RNT/SA