Usapang lalaki… Mabilis ka ba labasan?

Usapang lalaki… Mabilis ka ba labasan?

July 10, 2018 @ 4:28 PM 2 years ago

  •  
  •  
  •  

 

Maraming lalaki na may problema sa ejaculation o ang paglalabas ng semilya sa gitna ng pagkikipagtalik.

Ejaculation ang tawag sa panahong nilalabasan ng semilya o seminal fluid ang isang lalaki.

May mga uri ng problema sa ejaculation at ito ay ang:

Early o premature ejaculation at late o delayed ejaculation.

Early ejaculation is an ejaculation that occurs before it is desired… during foreplay… or in the first moments following penetration,” paliwanag ng isang eksperto.

Ibig sabihin, kaunti pa lang, wala pang enough arousal si misis o si partner e nauna ka na. Nag-ejaculate ka o sa madaling sabi, nilabasan ka na.

Ang “foreplay” ay ang mga aktibidad na maaaring magpatindi o magpatingkad ng seksuwal na karanasan, bago ang aktuwal na pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae.

Kung may early, mayroon ding tinatawag na delayed [ejaculation]. 

Ang tagal o delayed [ejaculation] ay inability to have an ejaculation during sexual intercourse.

Hindi rin mabuti kapag masyadong matagal labasan. Mahihirapan si misis ang iyong partner. Baka imbes na luwalhati ang maibigay mo sa kanya, ma-bad trip pa.

Mayroong isang klase ng ejaculation na imbes na lumabas matapos ang pakikipagtalik o masturbation ay maaaring bumalik sa pantog at lumabas sa pag-ihi ng isang lalaki.

Ang tawag dito ay anorgasmia. Walang ejaculation, pero ang feeling mo nag-ejaculate ka, pero walang lumabas.

Puwede itong tinatawag na retrograde ejaculation. Retrograde ejaculation means, imbes na lumabas sa penis… parang bumalik, pumunta sa iyong bladder, sa iyong pantog.

Puwedeng may problema ka sa prostata, sa prostate gland kaya nagkaroon ka ng retrograde ejaculation or walang lumabas na ejaculate.

Pero pag-ihi mo, nakita mo ‘yong ihi mo na malabo. Kapag sinilip sa microscope, mayroon siyang seminal fluid at sperm.

Ayon sa mga eksperto, mayroong pag-aaral ang isang sex therapist ukol sa maaaring sanhi ng premature o delayed ejaculation.

“Ang pinaka-cause ng early or delayed ejaculation ay psychological daw.. Ibig sabihin, ito daw ay mayroon siyang problem, may stress, may anxiety or nae-embarrass, ang laki ng problema sa buhay, kaya minsan nauuna, nag-premature ejaculation or kung minsan ay delayed.

Puwedeng makaranas ng premature ejaculation ang mga lalaking nakararanas ng erectile dysfunction.

A mature man may feel erectile dysfunction… ‘yong fear niya na ito’y lalambot kaagad, mag-e-ejaculate agad ‘yan.

Pinakamainam para matugunan ang problema sa ejaculation ay intindihin muna ang maaaring sanhi nito.

Pinaka-effective na therapeutic approach is a combination ng biological and psychological therapy.

From an emotional standpoint, it is important to understand the history and background of the individual.

Dapat magkaroon muna ng medikal na pagsusuri o check-up at alamin ang sexual history ng pasyenteng nakararans ng problema sa ejaculation.

Bukod kasi sa sikolohikal, maaaring dating nakaranas ng trauma ang ari ng lalaki, tulad sa aksidente, na puwedeng magdulot ng problema sa ejaculation.

Isa pang inirerekomenda ay ang paghihinay-hinay sa masturbation.

“Too much masturbation can cause premature ejaculation.”

Suhestiyon din ng mga doktor sa mga lalaking nakararanas ng premature ejaculation na umiwas muna sa “missionary position” kapag nakikipagtalik.

The missionary position… the man is on top. Nakadapa na lalaki, ‘yon pong genitals ay mas madali, because of the gravity, mas madali mag-ejaculate.

Aniya puwedeng subukan ang “woman-on-top position” sa pagniniig para matulungan ang mister na umiwas sa premature ejaculation.

Puwede rin aniyang subukan ang “pause-and-squeeze” technique sa ari ng lalaki.

Pause, tigil muna, then squeeze the area of the head of the penis, then hingang malalim, then you have to explain kay misis [bakit] mo ginagawa ‘yon.

Pinakamainam pa rin aniya na kumonsulta sa espesyalista sakaling patuloy na makaranas ng premature ejaculation sa kabila ng paghihinay-hinay sa masturbation, pag-iiba ng sexual position at paggamit ng pause-and-squeeze technique.

Depende sa sasabihin ng doktor, puwedeng resetahan ang pasyente ng dapoxetene, generic name ng gamot para sa premature ejaculation.

Maaari ring bigyan ang lalaki ng anti-depressant o pangontra sa premature ejaculation.

Kung grabe na ang premature ejaculation, puwede pong bigyan ng anti-anxiety medication. Ito ‘yong tinatawag na selective serotonin re-uptake inhibitor, ‘yon po ‘yong anti-depressant. (Stan Yabut)


  •  
  •  
  •  

Loading...