Usapang swimming at iba pa sisisid sa TOPS

Usapang swimming at iba pa sisisid sa TOPS

July 27, 2022 @ 12:03 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines  – Usapang swimming ang sentro ng talakayan sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes ganap na 10:30 ng umaga sa Behrouz Restaurant sa 50 Scout Tobias kanto ng  Scout Fernandez Brg. Laging Handa sa Timog, Quezon City.

Inaasahang magbibigay ng pinakabagong detalye sa pagsasanay at kahandaan ang apat na miyembro ng BEST Swimming Team, sa pangunguna ni National junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, na kabilang sa eight-man Philippine Team na isasabak ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa World Junior Championship sa susunod na buwan.

Makakasama ng 16-anyos na si Mojdeh ang kapwa elite swimmers ng club team BEST na sina Amina Isabelle Bungubung at ang magkapatid na Ruben at Heather White sa pagbabalik ng mainit na talakayan via face-to-face sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon na Zoom platform.

Kabilang din sa PH Team na sasabak sa prestihiyosong torneo na gaganapin sa Agosto 30 hanggang Setyembre 4 sa Lima, Peru sina Joshua Gabriel Ang,  Alexander Georg Eichler, Gian Santos, at Mishka Sy.

Panauhin din si coach Vince Garcia, Managing Director ng FINIS Philippines, para talakayin ang nakatakdanang Mindanao leg ng FINIS Short Course Swim Championship sa Digos Citym gayundin ang paghahanda para sa National Finals ng torneo na itinakada sa susunod na buwan sa Clark City pool.

Inimbitahan din ni TOPS President Maribeth Repizo-Santos ang bagong talagang Commissioner ng Philippine Sports Commission (PSC) na si bowling legend Olivia ‘Bong’ Coo.

Inaanyayahan ni Ms. Santos ang lahat ng miyembro at opisyal, gayundin ang mga miyembro ng sportswriting communty na makiisa sa talakayan at saksihan ang pakikipagtambalan ng TOPS sa Behrouz Restaurant bilang pinakabagong tahanan ng grupo ng mga sports editors, reporters at kolumnista mula sa mga pahayagang pang-masa.RICO NAVARRO