Usapin ng kalakalan, seguridad, workers rights tinutukan sa Marcos-Ardern meeting

Usapin ng kalakalan, seguridad, workers rights tinutukan sa Marcos-Ardern meeting

November 19, 2022 @ 2:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinalakay nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern ang mga usapin patungkol sa kalakalan, seguridad at karapatan ng mga manggagawa sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), ang dalawa ay nagkasundo na magtutulungan sa mga nabanggit na usapin.

“Our trade, our connection, has been growing at a steady pace. And we want perhaps after things open up even more and come back to what we all considered to be normal, it would increase,” ani Marcos.

“I think once again the best solution is just have strong partnerships. You can have slightly different positions within that —but you are members of a political aggrupation and economic aggrupation, there’s strength in numbers,” dagdag pa niya.

“Kaugnay nito, pinuri ni PM Ardern ang mga Pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa kanilang bansa at inihayag na ang mga ito ay isang mahalagang parte ng lipunan sa New Zealand,” ayon naman sa pahayag ng OPS.

Isinagawa ang bilateral meeting ng dalawang Pangulo umaga ng Sabado, Nobyembre 19 sa Queen Sirikit National Convention Center, kung saan sinamahan ito ng pinsan na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Maliban dito ay wala nang iba pang detalye ang ibinahagi sa media. RNT/JGC