Usaping nukleyar pinagkasunduan ng Pinas, US

Usaping nukleyar pinagkasunduan ng Pinas, US

March 12, 2022 @ 9:09 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nilagdaan ng Pilipinas at Estados Unidos, araw ng BIyernes ang memorandum of understanding (MOU) na magpapalakas sa nuclear cooperation ng dalawang bansa.

Ayon sa US State Department, sa pamamagitan ng MOU Concerning Strategic Civil Nuclear Cooperation, mapapahusay nito ang kasunduan ng dalawang bansa pagdating sa energy security at mapalalakas ang kanilang diplomatic at economic relationship.

Si Undersecretary of State for Arms Control and International Security Bonnie Jenkins ang lumagda para sa Estados Unidos habang si Department of Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. ang pumirma para sa PIlipinas.

“The United States and the Philippines have an enduring alliance and maintain long-standing cooperation in the fields of security, energy, commerce, and nonproliferation. Deepening our cooperation in nuclear energy, science and technology has the potential to make a significant contribution to our shared clean energy goals, agricultural development, availability of clean water, medical treatments, and more,” ayon sa kalatas ng State Department.

“Our nuclear cooperation rests on a strong nonproliferation regime and the Philippines’ steadfast commitment to nonproliferation,” dagdag nito.

Ang Nuclear Cooperation MOUs ay diplomatic mechanisms na magpapalakas at magpapalawig sa strategic ties sa pagitan ng Estados Unidos at “partner country” nito.

Sinabi ng State Department, nagbibigay ito ng “framework for cooperation and a mutually aligned approach” sa nonproliferation pagdating sa civil nuclear issues at magsilbing kasunduan sa pagitan ng mga eksperto mula sa pamahalaan, industriya, national laboratories, at academic institutions. Kris Jose