USB cable, na-stuck sa ari ng bata

USB cable, na-stuck sa ari ng bata

July 10, 2018 @ 5:18 PM 4 years ago


 

China – Natural sa mga bata ang pagiging malikhain dala ng kuryosidad.

Ngunit dyaskeng bata ang isang ito.

Isang 13-anyos na binatilyo ang napahamak matapos maospital nang ma-stuck sa butas ng kanyang “pototoy” ang kable ng USB nang maisipan niya itong ipasok doon.

Sa ospital, matagumpay namang naalis ng mga doktor ang bagay na ipinasak ng binatilyo mula sa labasan ng kanyang ihi na nagbuhol sa loob ng kanyang pantog.

Sinasabing umabot sa 20 sentimetro ang lalim ng pagkakatarak ng cable bago niya napagtanto na hindi na niya ito mahila palabas.

Unang dinala ng kanyang magulang ang bata sa isang lokal na ospital sa Linkou, sa Hilagang-Silangang Probinsya Heilongjiang sa Tsina ngunit nabigo ang mga doktor na masolusyunan ang problema kaya inilipat siya sa Harbin Children’s Hospital kinabukasan.

Ayon kay Doctor Xu Liyan, resident urologist ng naturang ospital, pinutol ng bata ang kabilang dulo ng USB cable at tsaka ipinasok sa kanyang ari.

Dagdag pa ni Xu Liyan, nagbuhol na ang cable sa loob ng pantog ng bata na siyang dahilan ng pagkaka-stuck nito kaya napagpasyahan isailalim siya sa operasyon.

Nang tanungin, umamin ang bata na dala ng kanyang kuryosidad o malikot na isip kaya niya nagawa ang “eksperimento”.

Agad namang nakalabas ang bata sa ospital, dalawang linggo makalipas ang operasyon.

Ang insidente ay umani ng napakaraming shares sa internet na umabot sa kabuuang 10.2k.

Nangako ang bata na hindi na niya uulitin ang ginawa. (Remate News Team)